NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    【NEW】Q&A: Patungkol sa Website Application ng Public Senior High School (公立高校のWEB出願について)

    2024.12.15

    Q:

    Narinig ko na kailangan i-apply sa WEB online ang Entrance Examination para sa Public Senior High School. Ako ay nag-aalala kung makakaya ko bang punan ang mga ito dahil kailangan punan ang aplikasyon sa wikang Hapon. Maaari po bang ituro ninyo sa akin ang tungkol sa pamamaraan nito.

    A:

    Ang Website Application System ay pinamamahalaan ng Aichi Ken Board of Education. Ang aplikasyon ay maaaring i-sumite gamit ang smartphone, computer, tablet atbp. na maaaring i-konekta sa internet. Kinakailangan din ito ng printer, kung wala kayo nito sa inyong tahanan, maaaari kayong gumamit ng convenient printer service ng isang convenience store.

    Magsisimula ang Application System sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre,

    magparehistro muna bilang isang User. Pagkatapos, sundin lamang ang pamamaraan sa proseso upang mai-rehistro ang mga impormasyon tulad halimbawa ng napiling paaralan sa isinaad na iskedyul ng aplikasyon.

    Ang examination fee ay maaaring bayaran gamit ang credit card, o sa pamamagitan ng pagbabayad sa convenience store. Pagkatapos makumpirma ang mga impormasyon ng inyong aplikasyon, maaari nang mai-download ang admission card o form, i-print ito at siguraduhing dalhin sa araw ng Entrance Examination.

    Sa mga nakapagtapos ng pag-aaral ng Junior High sa labas ng bansa ng Japan, kinakailangan kumpirmahin ang diploma na nagpapatunay na nakapagtapos ng pag-aaral at kung maaari bang makapag-apply. Para sa karagdagang impormasyon, kontakin ang Aichi ken Board of Education, Senior High School Division.

    Aichi ken Board of Education, Senior High School Division

    Nagoya City Nakaku Sanomaru 3-1-2

    Prefectural Office West Building 9F

    TEL: 052-954-6786

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.