2025.03.07
Q
Narinig ko na ang Health Insurance Card na mayroon ako sa kasalukuyan ay hindi na maaaring balidong magamit.
Ano ang My Number Health Insurance Card? Hindi ba ako makakatanggap ng medikal na pag-papagamot sa isang ospital nang wala ang aking health insurance card?
A
Ang My Number Insurance Card ay ang iyong My Number Card na magagamit bilang isang Health Insurance Card. Sa kasalukuyang pagpapalabas ng Health Insurance Cards*1 ay matatapos sa Disyembre 1, 2024. Pagtapos nito, bilang pangkalahatang tuntunin, ito ay magiging My Number Health Insurance Card. Kung wala kang My Number Heath Insurance Card, maaari kang tumanggap ng medikal na pag-papagamot gamit ang [Dokumento ng Kumpirmasyon ng Kwalipikasyon] *2.
Ang iyong kasalukuyang Health Insurance Card ay maaaring magamit hanggang Disyembre 1, 2025.
Kung ang iyong Health Insurance Card ay may nakasulat na balidong panahon na mas maiksi sa Disyembre 1, 2025, maaari mo itong gamitin hanggang sa expiration date.
Kapag nakapag-rehistro ng Health Insurance Card(Tina-trabahoan at sa munisipyo) papadalhan kayo ng [Dokumento ng Kumpirmasyon ng Kwalipikasyon] bilang Health Insurance Card na magagamit.Hindi na ninyo kailangan na magparehistro pa.
- Kapag walang my number card
- Kapag hindi nakapag-rehistro ng My number sa Health Insurance Card
*1 Sa kasalukuyan,ito ang image ng Health Insurance Card
( Authority :Nationwide Health Insurance Association Website)
*2 Ito ang image ng Certification of Confirmation Card (Authority:Health Ministry Website)
[Reference] Advantage ng My Number Health Insurance
- Kung sakaling malaki ang gastos sa medikasyon,pansamantalang babayaran ito ng pasyente,at hindi na kailangan na pupunta pa sa munisipyo para lakarin o mag-aply sa dokumento.
- Mula sa Myna portal*3 malalaman ang record sa Healthcare Insurance,hindi na kailangan na itago at ipasa ang resibo,madali nalang mag-aply ng deduction sa medikal na ginastos.
- Kung papayag ka sa impormasyon kung saan ka nagpapacheck-up,magmula ngayon kung magpapacheck-up ka sa Medical institution,mauunawaan agad ang kalagayan sa kalusugan at makapag-resita ng gamot.
*3 Myna portal
Itong Online Service na ito ay mina-manage ng Gobyerno.Sa pag-aply ng dokumento sa Ahensya kagaya ng Child care at Caregiving , makumpirma itong notipikasyon mula sa Ahensya ng Gobyerno.