2025.04.08
Q:
Nagsimula akong magtrabaho sa buwan ng Abril at natanggap ko ang aking unang sahod. Kasabay nito, nakatanggap din ako ng payslip. Pakipaliwanag po kung ano ang detalye ng sahod at ang nakasulat sa payslip.
A:
Ang perang natatanggap bilang sahod ay kinabibilangan ng pangunahing sahod (ang halagang nakasulat bilang sahod sa "konrata"), pati na rin ang mga karagdagang allowance tulad ng transportasyon, overtime, tirahan, dependent (pamilya), kwalipikasyon, at iba pa. Ang mga allowance na idinadagdag ay nag-iiba depende sa kumpanya.
Bukod dito, kung nagtatrabaho sa isang kumpanya, may ilang bagay na kinakaltas (deduction) mula sa sahod bawat buwan. Kabilang dito ang social insurance (health insurance, pension, employment insurance), income tax, residence tax, at iba pang buwis na itinakda ng kumpanya (halimbawa, bayad sa pagkain, union fee, at iba pa).
Karaniwan, ang mga halagang idinadagdag at kinakalatas ay ipinaliliwanag ito sa unang araw ng pagpasok sa kumpanya, at nakasulat din ito sa iyong kontrata. Kapag hindi ito nauunawaan, maaari mong tanungin ang taong namamahala sa iyong kontrata.
■Larawan ng Payslip
■Nilalamang nakasulat sa Payslip (Halimbawa)
- Payment: Matatanggap na salapi
- Pangunahing Sahod
- Overtime: Matatanggap na allowance kapag nag-overtime
- Kwalipikasyon: Matatanggap na allowance kung mayroong kwalipikasyon ukol sa trabaho
- Tirahan: Rent Subsidy Allowance
- Dependent (pamilya): Allowance sa anak at iba pang pamilya na kasamang naninirahan
- Transportasyon: Bayad na kailanganin sa transportasyon (non-taxable)
- Kaltas (deduction): Kinakaltas na salapi
- Health Insurance: Insurance ito na magagamit sa oras na tumanggap ng medikasyon
- Pension: Insurance ito na magagamit sa pagtanda at hindi na makakapagtrabaho
- Employment Insurance: Insurance ito na magagamit sa oras na mag-resign sa trabaho
- Income Tax: Buwis na kailangang bayaran sa gobyerno para sa natanggap na sahod
- Residence Tax: Buwis na kailangang bayaran sa tinitirhang munisipyo (babayaran sa sunod na taon mula ng mamasukan)
■Para sa karagdagang detalye, pakicheck ang sumusunod.
https://www.pref.aichi.jp/soshiki/tabunka/soukitekioucurriculum.html
Lathala ng Aichi Prefecture『Support Guidebook sa Pagtamasa ng Ligtas at Panatag na Pamumuhay sa Prepektura ng Aichi, Chapter 1: Trabaho/Salapi』
<Nihongo>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319506.pdf
<English>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319581.pdf
<Portuguese>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319518.pdf
<Spanish>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319559.pdf
<Chinese>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319530.pdf
<Filipino>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319539.pdf
<Vietnamese>
https://www.pref.aichi.jp/uploaded/attachment/319549.pdf
<Indonesian>