Q&A:Narinig ko na nagkaroon nang Junior High School na pang-gabi ang pasok sa lungsod ng Nagoya. Anong uri ng mga estudyante ang maaaring mag-enroll?(名古屋市に夜間中学ができたと聞きました。どんな人が入学できるのか教えてください。)
2025.06.18
Q:
Narinig ko na nagkaroon nang Junior High School na pang-gabi ang pasok sa lungsod ng Nagoya. Anong uri ng mga estudyante ang maaaring mag-enroll?
A:
Ang"Nagoyaka Junior High School"ay binuksan taong 2025. Maaaring mag-enroll ang mga estudyanteng may edad 15 pataas na hindi nakapagtapos ng Junior High School o hindi nakapasok nang regular sa paaralan dahil sa personal na mga kadahilanan. Ginaganap ang mga klase limang araw sa isang linggo, na may apat na 40 minuto bawat aralin, mula 5:30 hanggang 9:00 ng gabi ang pasok. Lahat ng asignaturang itinuturo sa Junior High School ay pinag-aaralan. May suporta sa wikang Hapon para sa mga nangangailangan nito. Walang uniporme. Libre ang matrikula at mga aklat. Maaaring pumasok ang mga estudyante kahit sila ay nagtatrabaho. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa "Nagoyaka Junior High School".
Nagoyaka Junior High School Telephone Number: 052-583-1511
Sa lungsod ng Toyohashi, ang"Toyohashi Junior High School"ay binuksan taong 2025. At ang "Toyota Junior High School", "Komaki Junior High School", "Ichinomiya Junior High School"ay magbubukas taong 2026.