2025.08.17
Q(Tanong):
①Ano ang National Census?
②Kasama ba ang mga dayuhan sa National Census?
③Kailan at paano ito ginagawa?
A(Sagot):
①・Ito ang pinakamahalagang survey (pagsusuri) para sa estadistika sa Japan. Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga questionnaire ("survey form"), inaalam nito ang kalagayan ng mga taong nakatira sa Japan at ng kanilang mga pamilya (*1).
・ Ang mga datos at impormasyon mula sa resulta ng National Census ay malawakang ginagamit sa iba't ibang larangan. Halimbawa, ginagamit ito para mapabuti ang pamumuhay, at ginagamit din bilang batayan sa paggawa ng mga plano para sa paghahanda sa mga kalamidad tulad ng lindol.
②Layunin nito ang lahat ng tao at pamilya na naninirahan sa Japan, kasama ang mga dayuhan, kaya't ang mga dayuhan ay kuwalipikado rin.
③・Ang National Census ay naganap bawat limang taon. Sa taong ito, isasagawa ang survey para alamin ang sitwasyon sa Oktubre 1, 2025.
・Dahil dito, mula huling linggo ng Setyembre, pupunta ang mga tagasuri (census taker) (*2)sa mga bahay para mamahagi ng mga survey form at iba pang dokumento. Kung walang tao sa bahay, maaaring ilagay na lang ang survey form sa mailbox.
・Kung dumating ang census taker sa inyong bahay o kung makita niyo ang survey form sa mailbox, pakisagutan ang form na iyon. Maaaring sagutin ito sa pamamagitan ng internet, o sa pamamagitan ng pagpapadala ng papel na survey form sa koreo (post mail), o pagbigay nito sa census taker.
*1:Ang "tahanan" o "household" ay tumutukoy sa Isang grupo ng mga tao na nakatira sa iisang bahay at magkasama sa gastos sa pamumuhay, tulad ng isang pamilya o iba pang grupo.
Kung kayo naman ay nakatira nang mag-isa, ituturing pa rin kayong isang hiwalay na sambahayan.
*2:Ang "census taker" ay tumutukoy sa isang part-time na kawani ng pambansang pamahalaan na itinalaga ng Minister of Internal Affairs and Communications
Maaaring sagutin ang census sa sariling wika,at tingnan ang nilalaman ng mga tanong sa internet.




