NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Impormasyon sa Pamumuhay(生活情報)

【NEW】Q:Mayroon po akong anak na papasok ng Senior High school. Sa pasukan, magkano ang aabutin ng gastusin? (高校へ進学する子どもがいます。入学する時に、いくら費用がかかりますか。)

2025.09.20

A:Ang mga pampublikong senior high school ay mayroon mga suporta mula sa gobyerno, kaya't hindi kailangan ng mga magulang na magbayad ng matrikula.

    Subalit, sa araw ng pasukan ay mayroon mga bayarin na dapat na bayaran. Ang enrollment fee na humigit kumulang na nagkakahalaga sa 40,000 yen, ang mga textbooks at mga kakailanganing bagay ay humigit kumulang sa 50,000 yen, at ang halaga ng uniporme ay humigit kumulang sa 50,000 yen. Sa kabuuan, kinakailangang ng humigit kumulang sa 140,000yen sa paunang pasukan. (Bukod dito, maaaring kailanganin ang gastusin para sa pagbili ng PC.) Bagama't may ilang sistema ng subsidiya na hindi kailangang bayaran, subalit ito ay ibibigay lamang pagkatapos na makapasok sa senior high school, hindi magagamit ang subsidiyo sa pasukan kung kaya't kinakailangan na paghandaan at pag-ipunan ang pagpasok sa mataas na paaralan.  

  Bukod pa rito, ang mga pribadong senior high school, ay nangangailangan ng humigit kumulang sa 600,000yen na paghahanda bago ang pagpapatala. Ang mga matrikula ay sinusuportahan ng mga pambansa at prefectural na gawad, ngunit ang mga ito ay ibinibigay lamang pagkatapos ng pagpapatala.

 Sa kabilang banda, ang mga pampublikong part-time high school (TEIJISEI) (), ay may mababang bayad sa pagpapatala at sa matrikula, at karamihan ay hindi nangangailangan ng uniporme, kung kaya't ang kailangan na halaga ng pera sa pagpasok ay nagkakahalaga ng abot kaya lamang. Posible din na makapagpatuloy sa kolehiyo pag naka-pagtapos.

(※ Ang mga part -time high school or TEIJISEI, ay nag-aalok ng mga klase na madaling maunawaan na mga aralin na nagbibigay diin sa mga batayan at pangunahing kaalaman. Mayroon klase pang-gabi na nagsisimula mula alas 5 ng hapon, at mayroon din naman klase na pang-araw na kung saan nagsisimula ng alas 9 ng umaga.) 

Sanggunian https://www.nic-nagoya.or.jp/filipino/living-in-nagoya/living-information/living_information/2024/09131510.html

Mga Balita at Kaganapan(NICからのお知らせ)

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.