【NEW】Ang tungkol sa pagpapapalit mula sa Foreign Driver's License patungo sa Domestic Driver's License (Gaimen Kirikae). (外国の運転免許から日本の免許への切り替えについて(外免切り替え))
2025.10.16
Q:
Nakatira ako sa Aichi Prefecture. Nais kong palitan ang aking kasalukuyang driver's license na mula sa aking bansang pinagmulan ng Japanese driver's license. Narinig ko na nagbago ang sistema simula noong Oktubre. Ano po ang dapat kong gawin?
A:
Upang lumipat mula sa isang dayuhang lisensya sa pagmamaneho para sa isang Japanese driver's license, kailangan mong maipasa ang exam.
Sa loob ng Aichi Prefecture, mayroong dalawang lugar para sa pagsusulit.
- Hirabari Driver's License Examination Center (Address: Hirabari Minami 3-605, Tempaku, Nagoya City TEL:052-800-1352)
- Higashi-Mikawa Driver's License Center (Address: Kanaya Nishimachi 2-7, Toyokawa City, TEL: 0533-85-7181)
Ang pagsusuri ay bukas para sa mga nakakatugon sa mga sumusunod na kondisyon sa ibaba:
- Kung nanatili ka nang higit sa tatlong buwan sa bansa kung saan nakuha ang lisensya
- Kung ang foreign driver's license ay balidong lisensya sa bansang iyon.
- Kung may address sa Aichi Prefecture.
→Mula ika-1 ng Oktubre taong 2025, ay kailangan nang magsumite ng Residence of Certificate "Jyumin-hyo". At ang isusumiteng Residence of certicate ay kailangan nakasulat dito ang nasyonalidad, at status ng paninirahan, at expiration ng residence status, at numero ng residence card.
Upang sumailalim sa pagsusuri, kinakailangan ng advance reservation sa pamamagitan ng website ng Aichi Prefectural Police.
Mangyari lamang na gumawa ng reserbasyon o kumpirmasyon kasama ang isang taong nakakaintindi ng wikang Hapon.
★Advance reservation website (Hapones): https://ttzk.graffer.jp/pref-aichi-police
★Paano gamitin ang advance reservation website (Hapones): https://x.gd/7S71D
Pagkatapos makumpirma ang reserbasyon, ang pangunahing hakbang ay naayon sa, pagsusuri ng dokumento → pagbabayad → pagsusulit (akademiko) → pagsusulit (praktikal).
Kung nai-pasa mo ang lahat ng pagsusulit, ikaw ay mabibigyan ng Japanese Driver's License.
★Kinakailangan ang Japanese translation ng banyagang lisensya para sa pagsusuri ng dokumento.
★Ang pagsusulit (written) ay maaaring kunin sa isang partikular na wika gaya ng Ingles o Portuges, at 20 pang wika depende sa araw nag-iiba ang available na wika ( Simula ika-1 ng Oktubre taong 2025, ay hindi na magkakaroon ng suporta para sa wikang Turkish.
★Mula ika-1 ng Oktubre taong 2025, ay binago na ang bilang ng mga katanungan sa pag-check ng kaalaman / knowledge test : mga 50 tanong, at ang passing rate ay higit sa 90%.
★Mula ika-1 ng Oktubre taong 2025, ang pagsusulit sa pag-check ng kaalaman / knowledge test ay 1 beses lang sa isang araw, at ito ay simula 1:30 P.M lamang (Hirabari Driver's License Examination Center).
*Sa ilang estado ng Estados Unidos, pati na rin sa Canada, Australia, Timog Korea, Taiwan, at iba pang mga bansa at rehiyon, maaaring hindi na kailanganin pang dumaan sa mga pagsusuring pang-akademiko at praktikal.
★Mayroon ding iba't ibang iba pang mga kundisyon para sa pag-papalit mula sa Foreign Driver's License lisensya para sa isang Domestics License.
Para sa mga detalye, mangyaring tiyakin na bisitahin ang sumusunod na website ng Aichi Prefectural Police.




