NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Impormasyon sa Pamumuhay(生活情報)

【NEW】Tungkol sa Scholarship (Pondo Para sa Pag-aaral)(奨学金について)

2026.01.29

Q Mayroon po akong tatlong anak. Nais ng aking panganay na makapasok sa unibersidad, ngunit nag-aalala po ako tungkol sa matrikula. Maaari po ba ninyo akong bigyan ng mas detalyadong paliwanag tungkol sa scholarship?

 

A May dalawang uri ang scholarship: Grant Type (Kyufuku-gata) at Loan Type (Taiyo-gata). Ang Grant Type (Kyufuku-gata) ay hindi na kailangang bayaran o ibalik, samantalang ang Loan Type (Taiyo-gata) ay kailangang bayaran o ibalik sa hinaharap.

 

Ang Grant Type ng Japan Student Services Organization (JASSO / Nihon Gakusei Shien Kikō) ang isa sa mga pinakakaraniwang ginagamit na scholarship ng mga estudyante. Kapag ang estudyante ay nasa ika-3 taon na ng Senior High School, nagbibigay ng impormasyon ang paaralang kanyang pinapasukan. Ang Grant Type na ito ay ibinibigay buwan-buwan sa halagang ilang libong yen, at hindi bilang isang isang bagsakang malaking halaga. Isinasaalang-alang din ang mga grado ng estudyante bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri.

Mayroon ding Loan Type ang scholarship ng JASSO. Maaaring bisitahin ang kanilang website para sa mas detalyadong impormasyon.

https://www.jasso.go.jp/shogakukin/about/index.html

 

Sa oras ng pagpasok sa unibersidad, kakailanganin ng malaking halaga ng ilang daang libong yen. Kung ikaw ay isang Permanent Resident o Long-Term Resident, maaari mong gamitin ang Government Educational Loan (Kuni no Kyōiku Loan). Sa pamamagitan ng loan na ito, maaaring hiramin nang sabay ang matrikula para sa isang buong taon.

https://www.jfc.go.jp/n/finance/search/ippan.html

 

Ang mga sambahayang may tatlo o higit pang anak na sinusuportahan ay maaaring makatanggap ng Tulong para sa mga Sambahayang may Maraming Anak (Tashi Setai Shien). Para sa mga pribadong unibersidad, may suportang nagkakahalaga ng 960,000 yen kada taon. Magbibigay rin ng impormasyon ang senior high school na pinapasukan ng estudyante, ngunit maaari ring tingnan ang mas detalyadong paliwanag sa website sa ibaba. (Maaari ring mag-apply pagkatapos makapasok sa unibersidad.)  

https://www.shogakukinsupport.jp/

Mga Balita at Kaganapan(NICからのお知らせ)

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.