NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Impormasyon sa Pamumuhay(生活情報)

【NEW】Nakatira ako sa lungsod ng Nagoya. Kung biglang magkalagnat ang bata o napinsala, paano ako makakahanap ng ospital? (名古屋市に住んでいます。子どもが急に熱を出した時や、けがをした時、どのように病院を探せばいいですか。)

2026.03.11

Q:

Nakatira ako sa lungsod ng Nagoya. Kung biglang magkalagnat ang bata o napinsala, paano ako makakahanap ng ospital?

 

A:

<Kung may Emergency→Tumawag sa 119(May mga tagapag-salin sa iba't ibang wika)>

Kung may malubhang napinsa o biglaang nagkasakit (sa oras ng emergency) mangyaring tumawag ng ambulansya sa 119.

Sa Nagoya, kapag tumawag sa 119, may serbisyong tagapag-salin sa 22 wika para sa mga hindi marunong magsalita ng wikang Hapon.

Para malaman kung kailan dapat tumawag ng ambulansya sa 119, mangyaring tingnan ang website ng Lungsod ng Nagoya sa ibaba at ating alamin ng maaga.

(Mga wika: Japanese, English, Chinese, Korean)

・WEB: https://www.city.nagoya.jp/bousai/shoubou/1012724/1013205/1034492/1013365.html

 ★Sa oras na nag-aalangan kung tatawag ng ambulansya o hindi → I-dial ang #7119 (Maaaring kumonsulta sa iba't ibang wika)

Kung nag-aalangan kung dapat bang tumawag ng ambulansya, maaaring tumawag sa #7119, (Kyūkyū Anshin Center Nagoya) para kumonsulta. (Bukas 24 hours at 365 days)

Maaaring kumonsulta sa 21 wika, kabilang ang English at Chinese.

(Kung hindi makakonekta sa #7119, mangyari lamang na tumawag sa 052-951-7119.)

 

<Kung mayroong sariling regular na doktor (Kakaritsuke-i)>

 Ang "kakaritsuke-i" ay ang doktor o klinika na palagi mong pinupuntahan o ng iyong pamilya (Family Doctor). Ito ang doktor na alam lahat ang inyong Medical History, tulad ng mga iniinom ninyong gamot at kung anong mga sakit ang inyong naranasan.

Kung bukas ang ang klinika ng inyong doktor, mas mabuting unang puntahan ito.

 

<Kung araw ng Holiday o oras ng Gabi>

Kung holiday o gabi at sarado ang klinika ng inyong sariling regular na doktor, pumunta sa pinaka-malapit na "Holiday/Nightime Clinic (Kyūjitsu・Yakan Shinnryōjo)". Ang mga lokasyon ng "Holiday /Nightime Clinic" ay maaaring makita sa website ng Aichi Emergency Medical Guide (Aichi Kyukyu Iryou Gaido) (Mayroong wikang English, Portuguese, Chinese at Korean). Maaari ding mahanap ang mga ospital na may serbisyo sa ibang wika.  

・WEB: https://www.qq.pref.aichi.jp/

 ★Kung nais mo ng detalyadong pagkonsulta tungkol sa sakit o pinsala ng bata → I-dial ang #8000 (Mangyaring tumawag na may kasamang tao na nakakaintindi ng Japanese)

Ang numerong #8000 ay isang serbisyong matatawagan para kumonsulta kung biglang magkasakit o mapinsala ang bata na mababa sa 15 taong gulang. Ito ay bukas mula 7:00 P.M. hanggang 8:00 A.M. ng susunod na araw. (13 oras bawat araw). Maaaring kumunsulta ng detalyado tungkol sa mga sakit ng bata. Mangyari lamang na tumawag ng may kasamang nananaintindi ng Japanese.

Kung hindi makakonekta sa #8000, tumawag sa 052-962-9900.

<Kung may taong marunong ng Japanese na malapit sa iyo>

Kung may taong malapit sa iyo na marunong ng Japanese, maaari kang tumawag sa Emergency Medical Information Center (Kyūkyū Iryō Jōhō Center). Maaaring ituro sa inyo ng Center na ito ang tungkol sa mga kalapit na ospital na bukas sa oras na iyon. Pagkatapos mong makakuha ng pangalan at numero ng ospital, direktang tawagan ang ospital na nais mong puntahan

Maaari nilang sabihin sa iyo ang tungkol sa mga kalapit na ospital na bukas sa oras na iyon. Pagkatapos mong makuha ang pangalan at numero ng telepono ng ospital, dapat mo direktang tawagan ang ospital para pumunta doon.

Emergency Medical Information Center

TEL: 052-263-1133 (Bukas 24 oras, 365 araw sa isang taon)

Mga Balita at Kaganapan(NICからのお知らせ)

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.