NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Impormasyon sa Pamumuhay(生活情報)

【NEW】Pagpasok sa Unibersidad para sa mga Mag-aaral na may Banyagang Pinagmulan(外国ルーツ生徒の大学受験について)

2026.04.01

Q:  May anak ako na dumating sa Japan apat na taon na ang nakalipas at kasalukuyang nasa ika-2 taon ng high school. Nais nilang magpatuloy sa unibersidad.
Kailangan ba nilang kumuha ng "Common Test" (大学入学共通テスト / Daigaku Nyūgaku Kyōtsū Tesuto) para makapasok sa unibersidad?

 

A: Kung mag-aaplay ang estudyante sa unibersidad sa pamamagitan ng pangkalahatang entrance exam, minsan kailangan nilang kumuha ng Common Test para sa Pagpasok sa Unibersidad (大学入学共通テスト).

Gayunpaman, para sa mga estudyanteng may banyagang pinagmulan, maaaring maging mahirap ang Common Test dahil sa wika.

Kaya may mga alternatibong sistema na hindi nangangailangan ng Common Test, tulad ng:

Examination for International Students (留学生受験 / Ryūgakusei Juken)Entrance exams para sa mga estudyante na may banyagang pinagmulan (外国ルーツ生徒受験)

 

 Ang "Examination for International Students" ay karaniwang may imaheng bilang pagsusulit para lamang sa mga nakapagtapos ng high school sa ibang bansa at pumunta sa Japan bilang international student. Ngunit may ilang Unibersidad na tumatanggap din na mag-apply din ang mga taong nakapagtapos ng High School ng Japan.

At nitong mga kamakailan lamang ay dumarami ang mga unibersidad na nagtataguyod ng mga Entrance Exam System para sa mga estudyanteng may banyagang pinagmulan na nag-aaral sa Japanese High Schools.

 

Anuman ang entrance examination system na gagamitin, patas ang lahat ng estudaynte sa pagtanggap o papasukang klase. At dahil ang klase ay itinuturo sa wikang Japanese, kailangan ang kanilang kakayahang magsalita at umunawa ng Japanese na nasa JLPT N2 Level.

 

Kung maganda ang grado ng bata sa high school, maaari rin silang mag-aplay sa mga sistemang hindi nangangailangan ng Common Test, tulad ng:

Designated school recommendation (指定校推薦受験)General recommendation (一般推薦受験)

Mahalagang mag-research nang maayos at maghanda para sa university entrance ayon sa sistemang pinaka-angkop sa inyong anak.

Mga Balita at Kaganapan(NICからのお知らせ)

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.