【NEW】【Serye ①】Nakatira ako sa lungsod ng Nagoya. Sa kasalukuyan, maayos at malusog ang aking pamilya, subalit nais ko lamang na malaman ang mga pamamaraan na dapat gawin kung sakaling may miyembro ng aking pamilya ang pumanaw sa hinaharap?
2026.05.17
A:
Kung mamamatay ang isang dayuhang dito sa Japan, isinasagawa ang mga pamamaraan alinsunod sa batas ng Japan (ang Family Registration Act)
1)Pag-susumite ng Death Report (Shibo-Todoke)
■Mga kailangan ihanda
・Death Report form(Shibo-Todoke) (Makukuha sa City Hall, ospital,o kumpanya ng punerarya)
・Death Certificate (Shibo-Shindan syo) Makukuha sa ospital(※1) o kaya naman ay sa pulis (※2)
・Pagkakakilanlan ng taong nag -hahain ng sertipiko ng pag-kamatay(tulad ng Pasaporte, residence card) at personal na selyo ※kung mayroon
(※1) Ang Sertipiko ng kamatayan (Shibo-Shindan-Syo) ay isang dokumento na ibinibigay ng ospital kung ang pagkamatay ay kinukumpirma ng doktor a pinapatunayan ng doktor na ang sanhi ng kamatayan ay karamdaman.
(※2)Ang Post-mortem report (Shitai Ken -An-Syo) ay isang dokumento na inilalabas ng himpilan ng pulis kung ang pagkamatay ay nangyari sa labas ospital o biglaan pagkamatay o kahinahinalang pagkamatay, at hindi nakatanggap ng medikal na pag-gamot mula sa doktor bago mamatay..
■Hanggang kailan dapat mag-sumite?
Dapat itong isumite sa loob ng 7 araw mula sa petsa na nalaman ang pagkamatay.
■Sino ang mag-susumite? Ang mga miyembro ng pamilya, mga taong kasamang nakatira, may-ari ng bahay o lupa, ang taong namamahala ng bahay o lupa. May ilang kaso na maaaring isumite din ito ng tagapamahala ng libing sa ngalan mo.
■Saan dapat ito i-sumite? Dapat itong i-sumite sa tanggapan ng pamahalaan lokal kung saan naganap ang pagkamatay, o kaya sa tanggapan ng pamahalaan lokal ng lungsod,baranggay, bayan, nayon, kung saan naninirahan ang mag-susumite ng sertipiko ng kamatayan.
2)Pagtanggap ng permiso para sa paglilibing , pag-cremate
Kapag naisumite na at nakumpleto na ang sertipiko ng kamatayan, bibigyan ka ng permiso ng paglilibing o pag-cremate.
Ito ay isang dokumento na lubhang mahalaga kapag nagpapalibing o nagpapa-cremate ng bangkay dito sa Japan. Siguraduhin na kunin ito at ingatan ng mabuti upang hindi mawala.
Sa Japan ang kremasyon ang pangunahin, dahil sa pag-gamit ng lupa at kalinisan.
Dahil dito, may mga krematoryo sa bawat rehiyon, at sa karamihan ng mga kaso, isinasagawa ang kremasyon pagkatapos mamatay ang isang tao.
Sa Japan, ang paglilibing "Doso" ay maaari lamang isagawa sa pinahihintulutan ng gobernador ng prepektura, at kung ito ay isasagawa sa hindi awtorisadong lugar ay paparusahan ng batas (papatawan ng kaso na paglabag sa pag-abandonado ng bangkay).
Kung dahil sa relihiyon o ang kagustuhan ng yumao ay ang mailibing sa lupa(burial), mahalagang kumonsulta muna sa embahada o konsulado, mga organisasyon na pang relihiyon, at sa city hall o lokal na komunidad kung saan kayo nakatira. Bukod dito, limitado lamang ang mga funerarya sa Japan na maaaring magbigay ng serbisyo ng paglibing sa lupa (burial), kaya mahalagang maingat na tiyakin ito nang maaga.
《*3》Ang Cremation ay paraan kung saan ang bangkay ay sinusunog, at ang labi (abo at buto) ay inilalagay sa isang lalagyan o "Urn"
《*4》Ang paglibing sa lupa (burial) ay paraan kung saan ang bangkay ay hindi sinusunog, kundi inilalagay sa kabaong at ibinabaon sa lupa.
3)Pag-sauli ng Residence card
■Hanggang kailan?:Sa loob ng 14 na araw mula sa raw ng pagkamatay
■Saan isasauli?:Dalhin sa counter ng naka-talagang Regional Immigration Services Bureau sa lugar ng inyong tirahan, o ipadala sa koreo.
・ Address kung ipapadala sa koreo
(※Magyaring isulat sa harap ng sobre ang [Residence Card Return])
:〒135-0064
2-7-11 Aomi, Koto-ku, Tokyo
Tokyo Port Joint Government Building 9th Floor
Odaiba Branch Office, Online Examination Division
Tokyo Regional Immigration Services Bureau
4)Pakikipag-ugnayan sa Embahada o Konsulado
Ang miyembro ng pamilya ay mangyari lamang na makipag-ugnayan sa embahada o konsulado ng kanilang sariling bansa sa lalong madaling panahon. Ang uri ng suportang maaaring matanggap ay iba-iba depende sa bansa. Bukod dito, maaaring mag-iba ang mga pamamaraan depende sa nasyonalidad at status ng paninirahan ng yumao sa Japan. Kaya mahalagang laging kumpirmahin ang mga detalye sa embahada o konsulado.
5)Proseso ng pagkansela ng Pension at Health Insurance
■Hanggang kailan?:Sa loob ng 5~14 na araw mula ng pagkamatay.
■Saan isinasagawa nag proseso?:
・Kung ang yumao ay nakapasok sa National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken) o National Pension (Kokumin Nenkin) (hal. self-employed o freelancer):→Sa city hall, ward office town hall o municipal office kung saan nakatira ang namatay.
・Kung ang yumao ay nakapasok sa Employee Health Insurance o Employees' Pension Insurance (Kosei Nenkin) (hal. empleyado ng kumpanya): → Sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ng namatay
★「Okuyami (Pakikiramay) Corner」★
Sa Nagoya, ang bawat ward office ay may tinatawag na "Okuyami Corner."Sa tanggapang ito, maaari kang bigyan ng kumpletong gabay tungkol sa mga kinakailangang proseso sa city hall para sa namatay at sa kanyang pamilya. (kailangan ng Reservation) Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang website ng lungsod ng Nagoya.
https://www.city.nagoya.jp/kurashi/todokede/1007851/1034702/1008118.html
※Sa website ng lungsod ng Nagoya, maaaring pumili ng wika. Mangyaring pindutin lamang ang"LANGUAGE" sa kanang itaas na bahagi.

★Sa susunod na isyu sa Hunyo, ipapaliwanag ang iba pang mga proseso sa Japan bukod sa
1)hanggang 5) pati na rin ang mga hakbang kung ipapadala ang bangkay ng namatay sa kanyang sariling bansa。




