【NEW】Q&A:Ako ay nakatira sa lungsod ng Nagoya. Ano ang dapat kong gawin kung nais kong ipadala sa aking bansa ang labi o abo ng pumanaw na miyembro ng pamilya? (【シリーズ②】名古屋市に住んでいます。亡くなった家族の遺体や遺骨を、自分の国へ送る時はどうすればいいですか?)
2026.07.03
Q: Ako ay nakatira sa lungsod ng Nagoya. Ano ang dapat kong gawin kung nais kong ipadala sa aking bansa ang labi o abo ng pumanaw na miyembro ng pamilya? (【シリーズ②】名古屋市に住んでいます。亡くなった家族の遺体や遺骨を、自分の国へ送る時はどうすればいいですか?)
A: Kapag magpapadala ng labi ng pumanaw sa ibang bansa, hindi lamang ang proseso sa Japan ang kailangan kundi pati na rin ang mga proseso sa sariling bansa na tatanggap nito.
Dahil magkakaiba ang mga kinakailangang dokumento at patakaran depende sa bansa, mangyaring makipag-ugnayan muna sa embahada o konsulado ng inyong sariling bansa upang alamin ang mga kinakailangan.
Mainam din na agad kumonsulta sa isang funeral service company na may serbisyo para sa "international repatriation" (pagpapauwi ng labi o abo sa sariling bansa) Dito ay ipapaliwanag ang pangkalahatang daloy ng proseso bilang pangkalahatang impormasyon.
(1)Sa pagpapadala ng labi ng pumanaw sa sariling bansa
<Pangunahing Daloy ng Proseso>
Pagkamatay→Pagimbak ng katawan→Pag-embalsamo*1→
Paghahanda ng mga kailangang dokumento→
Pag-aayos ng transportasyon saeroplano→Paglalagay ng labi sa kabaong at pag-alis sa bansa
<Mga Kailangang Kumpirmahin at Ihanda>
・Makipag-ugnayan sa embahada/konsulado ng iyong sariling bansa
・Alamin ang mga kinakailangan na dokumento sa sariling bansa
・Magpasya kung saan ilalagak ang labi
・*1 Alamin kung kailangan ng Pag-embalsamo (proseso na pabagalin ang pagkabulok ng katawan)
・Maghanap at kumonsulta sa isang funeral service company na may serbisyo ng "international repatriation"
・Alamin ang mga kundisyon ng airline
※Paalala: May ilang bansang maaaring hindi tumanggap ng pagpasok ng labi ng pumanaw.
(2)Kapag ipapadala o iuuwi ang mga labi o abo sa sariling bansa
<Pangunahing Daloy ng Proseso
Pagkamatay→Cremation(Pagsusunog ng labi)→
Kumuha ng 「Burial(paglibing)・Cremation(pagsunog)」permit→
Pagkumpirma sa airline company →Pag-uwi/Pagpapadala ng labi o abo sa sariling bansa
<Mga Kailangang Alamin>
・Makipag-ugnayan sa embahada/konsulado ng sariling bansa
・Alamin ang mga kinakailangan na dokumento sa sariling bansa
・Alamin sa airline company kung maaaring dalhin sa loob ng eroplano ang labi/abo ng pumanaw sa loob ng eroplano
※Maaaring kakailanganin ang Burial/Cremation Permit sa airport o sa sariling bansa. Mangyaring itago ito ng maayos.
★Review★ Mga pangunahing prosesong kailangang asikasuhin sa Ward Office at iba pang tanggapan kapag namatay ang isang miyembro ng pamilya
Mangyaring kumpirmahin ang 【Serye①】→ https://x.gd/0LEFT
・I-sumite ang Death Report (Shibo-Todoke/ sertipiko ng kamatayan) sa Ward Office (sa loob ng 7 araw)
・Kumuha ng Burial/Cremation Permit mula sa Ward Office
・Isauli sa Immigration Bureau ang Residence Card(sa loob ng 14 na araw)
・Makipag-ugnayan sa embahada/konsulado ng sariling bansa
・Asikasuhing tapusin ang mga proseso para sa Health Insurance at Pension sa Ward Office at iba
pang tanggapan.(sa loob ng 5~14 araw)フォームの始まり
(atbp.)Mga pangunahing proseso na kailangang gawin bukod sa Ward Office
① Mga proseso sa buwis,sasakyan at iba pa.
→ Alamin sa Tax Office, Prefectural Tax Office, Aichi Transport Bureau at iba pa.
② Mga proseso sa pension, ari-arian at iba pa.
→ Alamin sa Pension Office, Nagoya Legal Affairs Bureau at iba pa.
③ Mga proseso tungkol sa tirahan,tubig at iba pa
→ Alamin sa Housing Supply Corporation, kinotratang real estate company ng mga ari-arian at iba pa.
④ Mga proseso tungkol sa account ng pera sa bangko, mobile phone, kuryente at gas companies at iba pa.
→ Alamin sa bangko, mobile phone, kuryente at gas companies at iba pa.
*Ang mga kailangang gagawin matapos pumanaw ang isang miyembro ng pamilya ay makikitang nakatala sa Homepage ng lungsod ng Nagoya. https://www.city.nagoya.jp/kurashi/todokede/1007851/1034702/1008128.html




