2026.10.08
Q Napag-alaman ko na bukod sa Full-time High School (全日制高校) at Part-time/Night High School (定時制高校), mayroon ding tinatawag na Correspondence Learning System High School (通信制高校) sa Japan. Anong uri ng paaralan ang Correspondence High School? Maaari rin bang makakuha ng kwalipikasyon sa pagtatapos ng high school, katulad ng mga estudyante sa full-time high school?
A Ang Correspondence High School (通信制高校) ay may iba't ibang paraan ng pag-aaral. May mga paaralan kung saan nag-aaral ang mga estudyante sa bahay sa pamamagitan ng online classes o iba pang paraan at pumapasok lamang sa paaralan nang isa o dalawang beses sa isang buwan. Mayroon din namang uri kung saan araw-araw pumapasok ang mga estudyante at ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral sa tulong at gabay ng mga guro. Mayroon ding paraan kung saan dalawa o tatlong araw lamang bawat linggo pumapasok sa paaralan. Dahil maaaring piliin ng mga estudyante ang paraan ng pag-aaral na angkop sa kanila, patuloy na dumarami taon-taon ang mga taong pumapasok sa correspondence high school. Sa kasalukuyan, isa sa bawat sampung estudyante ay pumapasok sa correspondence high school.
At siyempre kapag nakapagtapos, tiyak na makakakuha rin sila ng kwalipikasyon bilang nakapagtapos ng high school.
Isa sa mga pangunahing katangian ng correspondence high school (通信制高校) ay ang kakayahang makapag-aral ang bawat estudyante sa sarili niyang bilis / iskedyul na angkop sa kanya.
Para sa mga batang may dayuhang pinagmulan na marunong makipag-usap sa wikang Hapon ngunit hindi gaanong kumpiyansa sa pagbabasa at pagsusulat, masasabing ang correspondence high school ay angkop para sa kanila dahil maaari silang mag-aral angkop sa kanilang bilis / iskedyul.
Para naman sa pribadong correspondence high school (私立の通信制高校), halos kapareho ng tuition fee nito ang sa pribadong full-time high school (私立の全日制高校). Gayunpaman, kung pumapasok sa paaralan at tumatanggap ng suporta mula sa mga guro, may karagdagang support fee, kaya bahagyang mas mataas ang gastos kumpara sa pribadong full-time high school.
Dahil dito, may mga taong pinipiling tatlong araw lamang bawat linggo tumanggap ng suporta mula sa paaralan at ginagamit ang natitirang dalawang araw para magtrabaho bilang part-time worker.
Bukod dito, maraming paaralan ang maaaring pasukan kahit kalagitnaan na ng school year. Kaya para sa mga taong hindi gaanong kumpiyansa sa wikang Hapon ngunit nais makakuha ng kwalipikasyon bilang high school graduate, mainam na isaalang-alang din nila ang pagpasok sa correspondence high school.




