2021.05.19
Atsuta Jingu(熱田神宮)
Ang Atsuta Jingu ay itinatag upang isadambana ang sagradong espada na Kusanagi-no-Mitsurugi (草薙神剣), isa sa Tatlong Sagradong Kayamanan na bumubuo sa Imperial Regalia. Sa panahon ng paghahari ng ika-12 emperador, si Keiko (ipinalagay na naghari ng 71-130 AD), si Yamato Takeru-no-Mikoto (日本武尊), ang anak na lalaki ni Emperador Keiko na ipinadala upang pakalmahin ang silangan, iniwan ang espada kay Hikamiyama, sa kasalukuyang Odaka-cho, Midori Ward, subalit namatay sa Nobono, na Kameyama City sa kasalukuyan, Ang kaniyang asawa na si Miyasuhime-no-mikoto (宮簀媛命), ay may sagradong espada na nakadambana sa Atsuta.
Mula noon, habang ang Atsuta Jingu ay iginagalang na dambana na isinunod sa Ise Jingu, ito rin ay tinutukoy ng mga lokal bilang 'Atsuta-Sama' at 'Miya'. (宮 sa神宮 [jingu] ay maaari ding basahin bilang 'miya'). Ang presinto na sumasaklaw sa paligid ng 190,000m2 ay tahanan ng ilang bahagi ng mga malalaking puno kasama ang isang libong taong gulang na malaking puno ng camphor, at isang Treasure Exhibition Hall kung saan may 6,000 na mga item, handog mula sa pamilya ng imperiyal at mga mananampalataya mula sa bansa, na nakaimbak at ipinapakita sa mga eksibisyon bawat buwan, at nagbibigay ng kaalaman sa kasaysayan ng pagsamba sa Atsuta. Bilang karagdagan sa Hongu (Main Shrine) at sa kasamang Betsugu-Hakkengu, mayroong 43 mga auxiliary at subordinate shrine na matatagpuan sa loob at labas ng presinto ng Atsuta Jingu, na may higit 70 piyesta at ritwal na sinusunod bawat taon at may dalang magkaparehong sagradong tradisyon noong unang panahon hanggang sa ngayon. Ang pangunahing bathala na nakalagay sa Atsuta Jingu ay si Atsuta-no-Okami, o ang diyos na Amaterasu-Omikami na ipinakita sa sagradong espada na si Kusanagi-no-Mitsurugi. Si Amaterasu-Omikami, bilang ninuno ng pamilyang imperiyal, ay iginagalang bilang kataas-taasang diyos na nagbigay ng pag-ibig. Ang Limang dakilang Diyos ng Atsuta (Amaterasu-Omikami, Susanoo-no-Mikoto, Yamato Takeru-no-Mikoto, Miyasuhime-no-Mikoto, at Takeinadane-no-Mikoto) ay may malakas na koneksyon sa alamat ng sagradong espada. Ang Miyasuhime-no-Mikoto at Takeinadane-no-Mikoto ay iginagalang naman bilang mga ninuno ng Owari clan.
Saan: Atsuta Jingu (熱田神宮), sa Atsuta Ward (熱田区)
Akses: 3 minutong maglalakad mula sa Jingū-mae Sta. (神宮前駅, NH33) ng Meitetsu Nagoya Line (名鉄名古屋本線); o 8 minutong paglalakad mula Atsuta Sta. (熱田駅, CA65) ng JR Tōkaidō Line (JR東海道線); o kaya naman ay 7 minutong maglalakad mula Jingu Nishi Sta. (神宮西駅, M27) ng Meijo Subway Line (地下鉄名城線).
Website: https://www.atsutajingu.or.jp/jingu/
Danpusan Kofun na Libingan ng Sinaunang Ninuno(断夫山古墳)
Ang Danpusan Kofun ay isang malaking hugis-susian na libingan"keyhole-shaped burial mound" sa Aichi Prefecture, na may sukat na 151 metro ang haba. Ang bilog na bahagi ay 3 baitang, may silindrikong hugis na haniwa clay sa unang baitang nito.
itinayo ito noong ika-6 na siglo, ang bundok ay pinaniniwalaan na libingan ng isang pinuno ng Owari clan na kumokontrol sa bandang timog ng distrito ng Owari. Ang istilong hugis-susian ng libingan ay mula sa awtoridad ng Yamato, at ang malaking sukat ng punso ay nagpapahiwatig ng puwersa ng mga kapwa inilibing na pinuno, at mga nagmana ng kaniyang kapangyarihan.
Ang Danpusan Kofun ay pinamamahalaan bilang bahagi ng Atsuta Jingu sa loob ng maraming taon, ngunit pinamamahalaan naman ngayon ng Aichi Prefecture bilang isang urban park at ito'y itinalagang pambansang makasaysayang lugar noong 1987.
Saan: Danpusan Burial Mound (断夫山古墳), matatagpuan sa Atsuta Jingu Park (熱田神宮公園), Atsuta Ward (熱田区)
Akses: 5 minutong maglalakad sa direksiyong Timog ng Nishi Takakura Sta. (西高蔵駅, M28) Exit 2 ng Subway Meijo Line (地下鉄名城線), o kaya'y 10 minutong maglalakad sa direksiyong Hilaga ng Jingu Nishi Sta. (神宮西駅, 27) Exit 4.
Museo sa Kasaysayan ng Atsuta Shirotori(熱田白鳥の歴史館)
Noong unang panahon, ang lugar sa paligid ng Shirotori Park sa Atsuta ay isang malaking Lawa na ginagamit sa pag-iimbak ng kahoy. Noong panahon ng Edo, ang kahoy ay pinutol mula sa mga bundok katulad ng Kiso (Nagano) at Hida (Gifu), at pinalutang sa ilog ng Kiso at Hida na tumatagal ng 300 araw upang makarating sa Nagoya (Atsuta).
Sa History Museum ng Atsuta Shirotori, matutunghayan ang mga larawan, replika ng picture scrolls, at mga kuhang pelikula na nauugnay sa kasaysayan ng imbakan ng kahoy sa Shirotori at ang pagdadala ng kahoy patungo sa site.
Matutunghayan dito ang tungkol sa mga kagubatan at paggamit ng kahoy.
Kailan: Lunes hanggang Biyernes ng 9:00~12:00, 13:00~16:00 (Maliban sa mga piyesta opisyal, pagtatapos ng taon, bagong taon, ay maaaring sarado sa iba pang mga oras, tiyakin ito sa website.)
Saan: History Museum ng Atsuta Shirotori (熱田白鳥の歴史館), Matatagpuan sa Nagoya Branch Office, Chubu Regional Forest Office, Forestry Agency (林野庁中部森林管理局名古屋事務所); Sunod sa Shirotori Garden.
Akses: 10 minutong maglalakad sa direksiyong Kanluran ng Jingu Nishi Sta. (神宮西駅, M27) ng Subway Meijo Line (地下鉄名城線)
Admission: Libre
Website:https://www.rinya.maff.go.jp/chubu/nagoya/home/nag_rekishikan.html (Japanese)
Parkeng Miya-no-Watashi(宮の渡し公園)
Ang Miya-no-Watashi (literal na "pagkukrus sa Miya") ay ang tanging dagat na
nagkrus at dumugtong sa Miya (Atsuta Jingu) at Kuwana (Mie) ng Tokaido route, at nagmistulang entrada ng Owari. Itinayo ang tore ng ilaw upang magbigay liwanag sa mga barko sa gabi noong taong 1625. Ito ay inaalagaan
ng Miya-no-Watashi Park, at ang pagpapaayos ng tore ng ilaw at kam
pana na ang tanging intensiyon ay maipaalam lamang ang oras, ngayon ay nagpapaalala na sa mga bisita ng kasaysayan nito.
Saan: Miya-no-Watashi Park (宮の渡し公園), Atsuta Ward (熱田区)
Akses: 10 minutong maglalakad sa direksiyong Timog at Kanluran ng Temma-cho Sta. (伝馬町駅, M26) ng Subway Meijo Line (地下鉄名城線)