2026.03.29
Ang proseso ng apliksyon ay binago mula sa "First come First served" ito ay naging "Bunutan".Kahit na ikaw ay maagang nag-aply kung ang bilang ng aplikasyon ay lumampas sa kapasidad, ito ay gagawin sa Bunutan o "Lottery" kung kaya't hindi nakakasiguro kung makakasali.
Magsasagawa ng isang silid aralan para sa mga bata upang mabigyan ng tulong sa pag-aaral ng Nihonggo na kakailanganin sa paaralan at sa pang-araw araw na pamumuhay.
Mga pwedeng lumahok:
・Mga batang may edad 6 hanggang 15 na hindi Nihonggo ang pangunahing wika (ipinanganak ng Abril 2, 2010 ~ Abril 1, 2019)
・Ipinanganak bago ang Abril 2, 2010 na kasalukuyang nag-aaral sa junior high school
※Ang mga nag-aaral sa pang-gabing klase na nasa Junior HighSchool ay sumali sa NIC Nihongo Class para sa mga Kabataan na High School.
※Prayoridad rito ang mga naninirahan sa lungsod at nag-aaral sa elementarya / junior high school na mga public school ng lungsod ng Nagoya.
Panahon:
・【Mayo~Hulyo】
Mayo 18 hanggang Hulyo 20 (Linggo), tuwing Linggo 10:00am~11:30am (10 beses lahat)
*Petsa at oras ng panayam: Mayo 11, (Linggo) mula 10:00am
・【Term ng bakasyon sa tag-init】
Hulyo 23 (Miyerkules), Hulyo 27 (Linggo), Hulyo 30 (Miyerkules), Agosto 3 (Linggo), Agosto 6 (Miyerkules), Agosto 13 (Miyerkules), Agosto 17 (Linggo), Agosto 20 (Miyerkules), Agosto 24 (Linggo), Agosto 27 (Miyerkules) 10:00am~11:30am(10 beses lahat)
*Petsa at oras ng panayam: Hulyo 20, (Linggo) mula 12:30am
・【Septyembre~Nobyembre】
Septyembre 21 (Linggo) hanggang Nobyembre 23 (Linggo), tuwing Linggo 10:00am~11:30am (10 beses lahat)
*Petsa at oras ng panayam: Septyembre14 (Linggo) mula 10:00am
・【Enero】
Enero 18 (Linggo)hanggang Marso 29(Linggo), tuwing Linggo 10:00am~11:30am (10 beses lahat)
*Maliban sa Pebrero 8
*Petsa at oras ng panayam: Enero11, (Linggo) 2025 mula 10:00am
※Kung hindi dadalo sa panayam at araw ng pagbabayad ay hindi makakapag-aral.
※Ang mga bata ay dapat na may kasamang maguangg o tagapag-aaga para sa inte r view at pag babayad.
Lugar: Nagoya International Center 3rd Floor Training Room; 5th Floor Conference Room
Bayad: 1000 Yen (10 beses lahat)
※ Ang inyong ibinayad ay hindi na ibabalik.
Bilang ng batang tatanggapin: 50 katao (Bunutan) (20 katao grade 1~grade 3 sa elementarya, 10 katao grade 4~grade 6 sa elementarya, 20 katao sa Junior high school)
*Term ng bakasyon sa tag-init:40 katao (Bunutan) (16 katao grade 1~grade 3 sa elementarya, 8 katao grade 4~grade 6 sa elementarya, 16 katao sa Junior high school)
Proseso ng aplikasyon: Mag apply sa application form mula sa website.
※Kung ang bilang ng aplikante ay lumampas sa kapasidad isang "Lottery" ang gagawin.
※Ang magkakapatid na magkasamang nag-a-aplay ay maaaring hindi makadalo na magkasama.
※Isang aplikasyon sa bawat isang tao. Dalawa o higit pang aplikasyon (duplicate) ay mapapawalang bisa.
Natapos na ang tanggapan.
Panahon ng aplikasyon:
・【Mayo~Hulyo】
Mula Abril 16 (Miyerkules) ng 10:00 hanggang Abril 25 (Miyerkules) ng 12:00
・【Term ng bakasyon sa tag-init】
Mula Hulyo 25 (Miyerkules) ng 10:00 hanggang Hulyo 4 (Miyerkules) ng 12:00
・【Septyembre~Nobyembre】
Mula Agosto 20(Miyerkules) ng 10:00 hanggang Agosto 29 (Miyerkules) ng 12:00
・【Enero~Marso】
Mula Disyembre 10 (Miyerkules) ng 10:00 hanggang Disyembre 19 (Miyerkules) ng 12:00
hindi mabuksan ang application form dahil sa problema sa web server atbp., subukang muli pagkatapos nang ilang sandali.
Ang Tatawagan: Dibisyon ng Programa
TEL:052-581-5689
E-mail:vol@nic-nagoya.or.jp




