Gabay sa Tatahaking Karera 2026 para sa mga Batang Dayuhan at mga Magulang(外国人の子どもと保護者のための進路ガイダンス2026)
2026.08.01
Ang seminar sa Gabay sa Tatahaking Karera pagpasok ng Senior High School ay gaganapin para sa mga batang dayuhan at kanilang mga magulang.
Gaganapin ang pagpapaliwanag ukol sa sistema ng Japan para sa pagpasok sa mataas na edukasyon, kung paano maghanda sa pagpili ng karera, mga iskedyul ng eksaminasyon, pagpapakilala ng mga Guro ng mga paaralang Senior High, pagpapahayag ng mga karanasan ng mga senior students, at indibidwal na konsultasyon sa tatahaking karera.
May mga interpreter sa wikang English, Portuguese, Spanish, Chinese, Filipino, Vietnamese at Nepali.
Sa Pakikipagtulungan ng Nagoya Municipal Board of Education.
.
Kailan:
Agosto 1 (Sabado) 13:00~16:30 (Postponement Date:Agosto 8 (Sabado) 13:00~16:30)
Lugar:
Nagoya International Center Annex Hall
Makakasali:
Mga mamamayang dayuhang bata at mga magulang
Kapasidad:
100 katao(first come, first served basis)
※Dahil sa limitasyon ng venue, ang pagdalo ay limitado lamang sa hanggang dalawang batang kasalukuyang nag-aaral sa junior high school o nasa parehong edad, at isang magulang o tagapag-alaga. Salamat po sa inyong pang-unawa.
Bayad:
Libre
Aplikasyon:
Hulyo 1(Miyerkules), ang pagtanggap ng aplikasyon ay magsisimula mula 10:00 ng umaga sa pamamagitan ng website.
Ito ay agad na tatapusin sa oras na maabot ang kapasidad.
Para sa mga Katanungan: Tel 052-581-0100
E-mail info@nic-nagoya.or.jp




