NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan(NICからのお知らせ)

NIC Nihongo Class para sa mga Bata 2026(NIC子ども日本語教室)

2027.03.31

Ang proseso ng aplikasyon ay sa pamamagitan ng "raffle o bunutan (lottery system)." Kahit maaga kang mag-apply, kung mas marami ang aplikante kaysa sa bilang ng tatanggapin, magkakaroon ng "bunutan."

Kaya hindi garantisado na makakasali ka kahit nakapag-apply ka na.

Magkakaroon ng Japanese language class para sa mga bata na nangangailangan ng suporta sa pag-aaral ng Nihongo na ginagamit sa paaralan at sa pang-araw-araw na buhay.

 

★Flyer

Target (Sino ang maaaring sumali):

・Mga batang edad 6 hanggang 15 taong gulang na hindi Japanese ang pangunahing wika (ipinanganak ng Abril 2, 2011 ~ Abril 1, 2020)

・Ipinanganak bago ang Abril 2, 2011 na kasalukuyang nag-aaral sa junior high school.

※ Ang mga naka-enroll sa night junior high school (chuugakkou yagaku) ay maaaring sumali sa NIC Japanese Class para sa High School Students.

※ Prayoridad ang mga batang nakatira sa loob ng Nagoya City at nag-aaral (o mag-aaral pa lamang) sa public elementary o junior high school sa Nagoya City.

Panahon

・【May Term】

Mayo 17 (Linggo) - Hulyo 19 (Linggo)

Tuwing Linggo, 10:00-11:30 (kabuuang 10 sessions)

Interview at bayaran: Mayo 10 (Linggo) 10:00~

・【Summer Vacation Term】

Hulyo 22 (Miyerkules), Hulyo 26 (Linggo), Hulyo 29 (Miyerkules),

Agosto 2 (Linggo), Agosto 5 (Miyerkules), Agosto 12 (Miyerkules),

Agosto 16 (Linggo), Agosto 19 (Miyerkules),

Agosto 23 (Linggo), Agosto 26 (Miyerkules)

10:00-11:30 (kabuuang 10 sessions)

Interview at bayaran: Hulyo 19 (Linggo) 12:30~

・【September Term】

Setyembre 20 (Linggo) - Nobyembre 22 (Linggo)

Tuwing Linggo, 10:00-11:30 (kabuuang 10 sessions)

Interview at bayaran: Setyembre 13 (Linggo) 10:00~

・【January Term】

Enero 17 (Linggo) - Marso 28 (Linggo)

Tuwing Linggo, 10:00-11:30 (kabuuang 10 sessions)

※ Walang klase sa Pebrero 14 (Linggo)

Interview at bayaran: Enero 10 (Linggo) 10:00~

※ Kung hindi makakadalo sa araw ng interview at bayaran, hindi makakasali sa klase.
※ Kailangang sumama ang magulang sa interview at bayaran.

 

Lugar: Nagoya International Center, 3rd Floor Training Room, 5th floor Conference Room

Bayad sa pagsali: 1,000 Yen (para sa 10 sessions)

※Kapag nakapagbayad na, hindi na ito maibabalik (non-refundable).

Bilang ng tatanggapin:

50 na bata (sa pamamagitan ng bunutan / lottery)

(Humigit-kumulang 20 mag-aaral sa Grade 1-3, 10 sa Grade 4-6, at 20 junior high school students)

Aplikasyon: Sa pamamagitan ng website

Paraan ng Aplikasyon:

  • Siguraduhing mag-apply sa website sa loob ng itinakdang panahon ng aplikasyon.
  • Kung lumampas sa itinakdang bilang ang mga aplikante, pipiliin sa pamamagitan ng bunutan. Kahit mag-apply ang magkakapatid, hindi garantiya na magkakasama silang matatanggap.
  • Isang beses lamang maaaring mag-apply ang bawat bata. Ang dobleng aplikasyon ay magiging hindi balido.

Mag-apply mula rito→https://nic-nagoya-form.jp/children/index.php?lang=fil

Panahon ng aplikasyon:

【May Term】 Abril 15 (Miyerkules) 10:00 AM - Abril 24 (Biyernes) 12:00 NN

・【Summer Term】 Hunyo 24 (Miyerkules) 10:00 AM - Hulyo 3 (Biyernes) 12:00 NN

・【September Term】 Agosto 19 (Miyerkules) 10:00 AM - Agosto 28 (Biyernes) 12:00 NN

・【January Term】 Disyembre 9 (Miyerkules) 10:00 AM - Disyembre 18 (Biyernes) 12:00 NN


Para sa mga katanungan:

Makipag-ugnayan sa Nagoya International Center - Business Division.

TEL052-581-5689

E-mailvol@nic-nagoya.or.jp

Mga Balita at Kaganapan(NICからのお知らせ)

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.