2027.03.31

- Ito ang Nihongo Class para sa mga matatanda na may edad 16 pataas.
- Ang klase na ito ay nakatuon sa pag-uusap. Matututunan ang wikang Hapon at ang pamumuhay sa Japan habang nakikipag-usap sa boluntaryong guro.
- Hindi gagamit ng aklat.
<APLIKANTE>May edad na 16 taong gulang pataas na ang sariling wika ay hindi Nihongo
(Bibigyan ng prayoridad ang mga naninirahan sa loob ng Lungsod ng Nagoya)
<PETSA>Tuwing Linggo, sa loob ng 3 buwan (90 minutong klase × 10 beses)
・【May Term】 Mayo 17 (Linggo) - Hulyo 19 (Linggo)
Interview at bayaran: Mayo 10 (Linggo) 10:00~
・【September Term】 Setyembre 20 (Linggo) - Nobyembre 22 (Linggo)
Interview at bayaran: Setyembre 13 (Linggo) 10:00~
・【January Term】 Enero 17 (Linggo) - Marso 28 (Linggo) ※Walang klase sa Pebrero 14 (Linggo
Interview at bayaran: Enero 10 (Linggo) 10:00~
<LUGAR>5th Floor Nagoya International Center Conference Room
<Bayad sa Pagsali>\1,000 (pangkalahatan 10 beses) ※ Ang bayad sa pagsali ay non-refundable.
<Klase>
|
Kurso |
Oras |
Bilang ng Makakasali |
Level at Mga Sakop ng Aralin |
|
NIHONGO 1 (にほんご 1) |
10:00-11:30 | 15 katao |
Mag-aaral na may basic ~ beginner level. Pag-aaralan ang simpleng pagbati at ang pakikipag-usap na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay, atbp. |
| 12:00-13:30 | 15 katao | ||
|
NIHONGO 2 (にほんご 2) |
10:00-11:30 | 15 katao |
Mag-aaral na may beginner ~ middle level. Pag-aaralan ang pakikipag-usap na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay, mga ekspresyon sa Nihongo at iba pang aralin, para sa mas komportableng pamumuhay. |
| 12:00-13:30 | 15 katao |
※ Mangyaring magsagawa ng sariling level check at piliin ang kurso nais salihan
Paraan ng Level Check】
Bago mag-apply, siguraduhing magsagawa ng sariling level check sa website na "Tsunagaru Hirogaru TSUNAHIRO." Ilagay ang resulta ng level check sa NIC application form
https://tsunagarujp.mext.go.jp/question
※Mangyaring isagawa ang sariling level check sa wikang naiintindihan ninyo. Maaari ninyong piliin ang wika mula sa menu sa kanang itaas
※Siguraduhing ang level check ay isasagawa ng mismong mag-aaral na dadalo sa kurso.
【Resulta ng Level Check at Inirerekomendang Klase】
|
Resulta ng Level Check sa 「Tsunagaru Hirogaru TSUNAHIRO」 |
Inirerekomendang Klase |
|
Tandaan natin ang mga kapaki-pakinabang na parirala sa Wikang Hapon. |
Ang "Nihongo 1" at "Nihongo 2" ng "NIC Japanese Language Class" ay maaaring maging mahirap para sa iyo. Kung nauunawaan ninyo ito at nais pa ring sumali sa "NIC Japanese Language Class," mangyaring mag-apply sa kursong "Nihongo 1." Para sa mga taong gustong mag-aral ng basic japanese sa unang pagkakataon, inirerekomenda namin ang "Nihongo Kyoushitsu Maruhachi" na pinapatakbo ng Lungsod ng Nagoya. |
|
Subukan nating aralin ang "Layunin ang Antas A1." |
Subukan nating aralin ang "Layunin ang Antas A1." |
|
Subukan nating aralin ang "Layunin ang Antas A2." |
Mangyaring mag-apply sa 「Nihongo 2」. |
|
Subukan nating aralin ang "Layunin ang Antas B1. |
Ang "Nihongo 1" at "Nihongo 2" ng "NIC Japanese Language Class" ay maaaring maging napakadali para sa iyo. Kung nauunawaan ninyo ito at nais pa ring sumali sa "NIC Japanese Language Class," mangyaring mag-apply sa kursong "Nihongo 2." Lungsod ng Nagoya. |
|
Ang iyong kakayahan sa Wikang Hapon ay mas mataas sa antas na inaasahan sa website na ito. |
Pagpaparehistro: first-come, first-served basis
*Mas binibigyang-priyoridad ang mga nakatira sa Nagoya City.
*Mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng website.
*Kapag napuno na ang slots, ilalagay sa waiting list.
Mag-apply dito →https://nic-nagoya-form.jp/adults/index.php?lang=fil
・【May Term】Abril 17 (Biyernes) 10:00~
・【September Term】Agosto 21 (Biyernes) 10:00~
・【January Term】Disyembre 11 (Biyernes) 10:00~
Kung hindi mabuksan ang application form dahil sa problema sa web server, mangyaring subukan muli makalipas ang ilang sandali.
Para sa mga katanungan: Business Division
TEL: 052-581-5689
E-mail: vol@nic-nagoya.or.jp




