2026.09.02
Ang "NIC Global Citizen Classroom" ay isang programa para sa internasyonal na pag-unawa sa edukasyon kung saan ang mga rehistradong instruktor ay bumibisita sa mga elementarya, junior high school, at mga lokal na organisasyon upang ipakilala ang kani-kanilang bansa gamit ang iba't ibang paksa. Kami ay kasalukuyang naghahanap ng mga instruktor na maaaring magturo (may kaukulang bayad). Para sa karagdagang detalye, mangyaring tingnan ang mga sumusunod na mga kondisyon.
●Aplikante: Mga residente sa Tokai o may banyagang pinagmulan
●Pangunahing kondisyon
May kakayahan sa pagbigay ng lektura sa wikang hapon (may screening ng mga dokumento)
Makakalahok sa interbyu, orientation at pagsasanay.
Petsa (Interbyu, Orientation, Pagsasanay):2026 Septembre 2 (Miyerkoles) 1:30pm to 4:30pm
Lugar: Nagoya International Center 5th floor Dai ichi meeting room
Iskedyul ng aplikasyon: Hulyo 14 (Martes) 10:00am to Agosto 18 (Martes) 5:00pm (kailangan na maipasa)
Pamaraan sa pag-apply: sa pamagitan ng pagpadala ng e-mail, puntahan mismo, o sa pagpadala ng koreo
★ Flyer
Para sa detalye: Project Division
Tel:052-581-5691




