Sesyon ng Impormasyon para sa Pagpaparehistro sa Language & Disaster Language Volunteers sa taong 2026(語学・災害語学ボランティア登録説明会)
2027.03.31
■ Language Volunteers
Nilalaman ng Aktibidad:
Magbigay ng suportang interpretasyon at pagsasalin para sa mga dayuhang residente na nangangailangan ng tulong sa wika. Pangunahing gawain ay ang interpretasyon sa mga pampublikong institusyon tulad ng daycare at mga tanggapan ng gobyerno, at pagsasalin ng mga liham o simpleng dokumento (hindi kasama ang opisyal na dokumento).
■ Disaster Language Volunteers
Nilalaman ng Aktibidad:
Sa panahon ng malalaking sakuna tulad ng lindol, tutulungan ang mga dayuhang residente na may limitadong kakayahan sa wikang Hapon at nahihirapang makakuha ng mahalagang impormasyon. Kasama sa mga gawain ang interpretasyon/pagsasalin sa mga opisina ng distrito o evacuation center, at pangangalap at pagbibigay ng impormasyon.
Sa normal na panahon, ang mga volunteer ay maaari ring magbigay ng interpretasyon sa mga aktibidad at pagsasanay sa kaligtasan para sa mga dayuhan, at hinihikayat na aktibong lumahok sa mga workshop at training na isinasagawa ng NIC.
■ Language Volunteer
Kadalasan ng Aktibidad:
Ayon sa pangangailangan, batay sa kahilingan mula sa Nagoya International Center (NIC).
Mga Kundisyon sa Pagpaparehistro:
Ingles: Dapat matugunan ang lahat ng tatlong kondisyon na nasa ibaba:
①Eiken Pre-1 o mas mataas, o katumbas na TOEIC score na 750 o higit pa
②Maaaring makilahok sa mga aktibidad tuwing weekdays
③Maaari ring magparehistro bilang Disaster Language Volunteer (dapat ay 20 taong gulang o higit pa)
Iba pang wika: May mataas na kakayahan sa paggamit ng wikang Hapon at iba pang wika..
■ Disaster Language Volunteers
Kadalasan ng Aktibidad:
Ayon sa pangangailangan, batay sa kahilingan mula sa NIC.
Mga Kundisyon sa Pagpaparehistro:
Interesado sa disaster prevention, 20 taong gulang o higit pa, at kayang makipag-usap sa pang-araw-araw na kominikasyon o higit pa, sa wikang Hapon at iba pang wika.
※Ang mga magpaparehistro bilang disaster language volunteers ay kinakailangang lumahok sa Disaster Language Volunteer Training pagkatapos ng briefing.
Briefing Session para sa Pagpaparehistro ng Language & Disaster Language Volunteers
Petsa at Oras:
Hunyo 6, 2026 (Sabado)
Oktubre 14, 2026 (Miyerkules)
Pebrero 27, 2027 (Sabado)
Lahat mula 13:30 hanggang 14:30
Lugar:Nagoya International Center, 4th Floor, Training Room 3
Pagpaparehistro:
Mag-apply bago matapos ang tanghali isang araw bago ganapin ang Briefing session.
Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng telepono, email, website, o personal na pagpunta sa NIC.
Mapagtatanungan : Project Section
TEL: 052-581-5689
E-mail: vol@nic-nagoya.or.jp




